Posts

Pagtitiis ni Maria Joy

Pagtitiis ni Maria Joy Maikling kwento ni Juliana Billones Isang araw sa bayan ng Rilaoma, mayroong nagngangalang Maria Joy na nagluluto ng tinola para sa kanilang hapunan. Habang ang kaniyang kapatid na nagngangalang Yvette ay naglalaro ng manika sa sala. “Tara na’t kumain na tayo, Yvette.” sabi ni Maria Joy habang inaayos ang mga pinggan sa mesa. Kumain na ang mag-kapatid kahit wala ang kanilang ina. “Nasaan na si inay?” tanong ni Yvette. Hindi nasagot ng nakakatandang kapatid dahil maski siya ay hindi alam kung nasaan ito. “Bilisan na nating kumain. Ako ay maglalaba pa ng damit natin.” Pagod na sabi ni Maria Joy sa kaniyang kapatid. Tinitiis ang pagod sa pagluto ng pagkain, paglaba ng damit at paglinis ng bahay ni Maria Joy. Nang natapos na niyang ayusin at linisan ang bahay ay ipinatulog muna niya ang kaniyang kapatid at sunod siyang natulog. Nagising si Maria Joy ng alasinko ng umaga upang magluto at maghanda ng kanilang almusal at pananghaliang kakainin ng magk...

Utusan

Utusan Sanaysay ni Juliana Billones Sa Pilipinas, marami na ang nadadamay sa mga patayan dahil sa war on drugs ni Pangulong Duterte. Marami ang buhay na nasasawi dahil sa mga iresponsableng gawain ng mga tao. Ang mga patayan na angaganap sa mga minorde edad na inosente ay hindi nabibigyang hustisya. Extra Judicial Killings, o ang pagpatay sa mga tao. Dahil ang droga ay sikat bilang ipinagbabawal na gamot, marami ang napagbibintangan na gumagamit nito. Ang mga napapagbintanagan ay madalas na ipinapatay. Pinapatay nalang bigla-bigla at hindi dumadaan sa makaturang paraan. Ang resulta nito sa mga nasasawing biktima ay ang kanilang pangarap ay mawawala na parang bula. Ang mga pumapatay sa mga biktima ay bigla nalang nakakatakas dahil hinahayaan nalang ng mga tao sa gobyernong mawalang bisa ang kanilang kasalanan. Maraming buhay ang nawawala dahil lang sa iresponsableng mga tao. Sa lahat lahat, ang mga iresponsableng tao ang may kasalanan dahil hindi muna sila nagee...

Pag-abot

Pag-abot Tugmang tula ni Juliana Billones Nais kong makamit ang aking pangarap, Ito ay hinihiling ko sa mga ulap. Kahit maliit ang pagasang makamit gagawin ang lahat para lang makamit. Nais kong makatulong sa aking kapwa Lalung-lalo na sa mahal kong pamilya. Ayaw kong nakikita sila’y nagdurusa Kaya’t aabutin para sa kanila. Daan papunta dito’y hindi madali Peto tatapusing may ngiti sa labi. May mga pagsubok na aking haharapin Kaya’t susundin ang payong ibinilin. O aking pangarap, kay hirap makuha Daang tatahakin ko ay mahaba pa. Sa isang araw pag-abot tapos na rin at aking nakuha ang gustong bituin.

Tinola ni Inay

Tinola ni Inay Malayang tula ni Juliana Billones Ang simoy ng malinamnam na tinola bumubulong sa aking tenga na kumain. Amoy ay nananatili sa aking ilong kaya’t ako’y takam na takam sa luto ni inay. Inay, ipagluto mo po ako ng tinola dahil iyan ang paborito ko. Naging bata ng natikman Mapulang pisngi dulot ng mainit na sabaw. Sa isang kutsarang sabaw na mainit ako’y nadala na sa langit. Dumaan na sa aking lalamunan mgiti sa labi ay biglang nabuo. Mahal kong tinola ni inay hinahanap-hanap tuwing gutom. Pag-alaala ko sa aking inay Sa pamamagitan ng tinolang manok

Apyan

Apyan Tugmang tula ni Juliana Billones Bawat kanto, patay rito, patay roon. Tao’y bangkay kahit may batas na tugon. Mga kapangyarihan ay naaabuso. O mga pulis, dapat tumigil na kayo. Droga rito, droga rine, droga roon Mahirap o mayaman ay nababaon. Takip dito, takip rine, takip roon Opisyales na umaabuso’y mabaon. Pinagbabawal na droga’y parang paguto, Sa una lamang ramdam masaya ito ngunit kung tumagal at may nakapansin Ito ay tiyak na papatayin ka rin. Kailan nga ba matatapos ang problema Paulit-ulit para ng sirang plaka. Dahil sa ipinagbabawal na galot Sa pilipinas, marami na ang takot.

Unti-unti

Unti-unti Malayang tula ni Juliana Billones Simula sanggol hanggang kasalukuyan Ako’y dito nakatira at lumaki na. Paglipas ng segundo, oras, at taon marami narin ang nagbago. O gobyerno ano na ang nangyari? Bakit ganito na ang kinalabasan? Dati’y bayan parang ginto sobrang ganda, at ito’y maliwanag. O mamamayan, ano na ang nangyari bakit wala kayong pakialam? Pilipinas ay patuloy na dumidilim Sapagkat kayo’y nasa telepono ma lamang O ina ng bayan, patawad lupang sinilangan Ako ay humihingi ng kapatawaran Dahil ika’y maganda noon ngunit nasira na ngayon.

Abuso

Abuso Tugmang tula ni Juliana Billones Nakita ng nasa itaas ang lahat dating malinis na daluyan ang dagat. Lupang tinataniman ng palayan Kalikasan, tao ang may kasalanan. Dati ay taniman ang lupang mataba palay na itinanim ng magsasaka. Sa kasalukuyan ito ay mas maganda mas maganda dahil puno ng basura. Simoy ng malinis na dagat at ilog, daming naliligo, ito’y dinudumog. Isda at pusit ay di na makain dahil sa mga tao, sila’y bobombahin. Kagandahan hindi na natin makita Ito’y naglaho na parang isang bula. Kalikasan ay ginawang basurahan Kalikasan, tao ang may kasalanan.