Pagtitiis ni Maria Joy
Pagtitiis ni Maria Joy Maikling kwento ni Juliana Billones Isang araw sa bayan ng Rilaoma, mayroong nagngangalang Maria Joy na nagluluto ng tinola para sa kanilang hapunan. Habang ang kaniyang kapatid na nagngangalang Yvette ay naglalaro ng manika sa sala. “Tara na’t kumain na tayo, Yvette.” sabi ni Maria Joy habang inaayos ang mga pinggan sa mesa. Kumain na ang mag-kapatid kahit wala ang kanilang ina. “Nasaan na si inay?” tanong ni Yvette. Hindi nasagot ng nakakatandang kapatid dahil maski siya ay hindi alam kung nasaan ito. “Bilisan na nating kumain. Ako ay maglalaba pa ng damit natin.” Pagod na sabi ni Maria Joy sa kaniyang kapatid. Tinitiis ang pagod sa pagluto ng pagkain, paglaba ng damit at paglinis ng bahay ni Maria Joy. Nang natapos na niyang ayusin at linisan ang bahay ay ipinatulog muna niya ang kaniyang kapatid at sunod siyang natulog. Nagising si Maria Joy ng alasinko ng umaga upang magluto at maghanda ng kanilang almusal at pananghaliang kakainin ng magk...