Lipstick
LIPSTICK
Maikling Kwento ni Karl Caesar Del Rosario
Ako si Elisa, labindalawang taong
gulang, isang ulila dumating sa isang buhay ampunan, dati akong naninirahan sa
isang maliit na kwarto kasama ang aking ina. Siya ay isang magandang babae na
may napakaamong mukha pero sa oras na madampian ng lipstick ang kanyang labi ,
naglalaho ang mala anghel na mukha ni nanay. Nagtatrabaho siya tuwing gabi.
Papatulugin niya muna ako bago siya umalis at pagdating ng umaga ay magigising
na lang ako nandiyan na siya at nagluluto ng umagahan. Masaya kami noon kahit
lagi akong tinutukso ng mga bata. Importante ay nag aaral ako ng Mabuti. Ang
simple naming buhay na pangarap kong umunlad na makatapos ako ng pag aaral ay natuldukan ng isang malagim na pangyayari.
Pagsapit ng gabi, naghanda nang umalis si nanay sinuot ang maikling bistida
habang naglalagay ng lipstick ay sinabi niyang magpapakabait daw ako. Mag isa
niya akong itinataguyod at pinalaki kahit na nangangayayat at pagod na pagod na
ang kaniyang manipis na katawan. Kinalimutang niyang umibig sa ibang lalaki
matapos ang naranasan niya kay tatay at saakin lamang niya binuhos ang kaniyang
atensyon. Labis akong minahal ni nanay kung kaya’t nang gabing iyon sinabi ko
sa sarili ko na hindi ko bibiguin si nanay. Magsisikap ako upang makatulong at
makabawi sa kanya. Kinaumagahan ay nagising ako gaya ng nakagawian ngunit hindi
ko inaasahan ang balitang nadinig ko mula sa mga nagkakagulong kapitbahay. Si
nanay ay natagpuang wala ng buhay. Hinihinalang pinatay at ginahasa ng ilang
lalaki. Doon gumuho lahat ng aking pangarap at abg mundong binabalak kong buuin
kasama ang aking nanay. Lahat ng iyon ay unti unting nadurog at nagging abo na
lamang. Hindi ko namalayan nandito na ako sa bahay ampunan. Iniiwasan at
pinandidirihan nila akong lapitan dahil isa raw akong anak ng Magdalena. Kung
ano ano ang sinasabi nila sa aking ina na bayaran. Kaya ako rin ay tinutukso at
pinandidirihan. Kaya minsan ay nasasaktan o inaaway ko na din sila dahil
sumosobra na rin sila kakalait sa aking ina. Kaya hindi ako ay naampon dahil
ako’y nakikipag away kung kani-kanino at baka raw sa aking paglaki ay maging
katulad ako ng aking nanay. Naiisip ko lang na bakit nila hinuhusgahan ang
aking nanay kahit na hindi pa nila kilala, hindi nla alam ang totoong ugali ng
aking ina na maalagain, may malasakit at marami pang iba. Nakakalungkot lang
isipin na na may taong laging makikitid
ang utak at hindi marunog umintindi. Ako ay naaawa para sa kanila dahil meron
akong nanay na mahal na mahal ako, yun ang wala sila at hindi siguro nila
naranasan. Hindi man lang ako mapuntahan ng aking tatay dahil bago na raw ang
kanyang pamilya. Tuwing pinagdadasal ko ang aking nanay ay naaalala ko lagi ang
matamis niyang ngiti at pula niyang labi. Aking nanay na laging nakatatak sa
aking puso’t isipan palaging nasaaking dasal. Ako’y magpapatuloy sa aking
pangarap para sa ating dalawa, nanay.
Comments
Post a Comment