Tinola ni Inay
Tinola ni Inay
Malayang tula ni Juliana Billones
Ang simoy ng malinamnam na tinola
bumubulong sa aking tenga na kumain.
Amoy ay nananatili sa aking ilong
kaya’t ako’y takam na takam sa luto ni inay.
Inay, ipagluto mo po ako ng tinola
dahil iyan ang paborito ko.
Naging bata ng natikman
Mapulang pisngi dulot ng mainit na sabaw.
Sa isang kutsarang sabaw na mainit
ako’y nadala na sa langit.
Dumaan na sa aking lalamunan
mgiti sa labi ay biglang nabuo.
Mahal kong tinola ni inay
hinahanap-hanap tuwing gutom.
Pag-alaala ko sa aking inay
Sa pamamagitan ng tinolang manok
Comments
Post a Comment