Pagtitiis ni Maria Joy
Pagtitiis ni Maria Joy
Isang araw sa bayan
ng Rilaoma, mayroong nagngangalang Maria Joy na nagluluto ng tinola para sa
kanilang hapunan. Habang ang kaniyang kapatid na nagngangalang Yvette ay
naglalaro ng manika sa sala. “Tara na’t kumain na tayo, Yvette.” sabi ni Maria
Joy habang inaayos ang mga pinggan sa mesa. Kumain na ang mag-kapatid kahit
wala ang kanilang ina. “Nasaan na si inay?” tanong ni Yvette. Hindi nasagot ng
nakakatandang kapatid dahil maski siya ay hindi alam kung nasaan ito. “Bilisan
na nating kumain. Ako ay maglalaba pa ng damit natin.” Pagod na sabi ni Maria
Joy sa kaniyang kapatid. Tinitiis ang pagod sa pagluto ng pagkain, paglaba ng
damit at paglinis ng bahay ni Maria Joy. Nang natapos na niyang ayusin at
linisan ang bahay ay ipinatulog muna niya ang kaniyang kapatid at sunod siyang
natulog.
Nagising si Maria
Joy ng alasinko ng umaga upang magluto at maghanda ng kanilang almusal at
pananghaliang kakainin ng magkapatid. Nang matapos na niyang iluto ang mga
pagkain ay pinuntahan na niya ang kaniyang kaatid. "Gising na Yvette.
Kakain na tayo." sabi ni Maria Joy. Ang dalawang magkapatid ay kumakain ng
tahimik. Pagkatapos kumain ni Yvette ay iniwan na lamang niya ang pinagkainan
sa mesa. Pagod na iniligpit ni Maria Joy ang mga hugasin. "Sa susunod na
tayo'y kumain ilagay mo ang pinagkainan mo sa lababo kung ika'y tapos na."
itinuro ni Maria Joy. Naalala niyang lilinisin pa niya ang bahay kaya't pumunta
sa kwarto kung saan nandoon ang walis at walis tambo. "Isara mo muna ang
bentilador, Yvette." Kaniyang utos sa kapatid niya. Naglakad si Yvette
upang isara ang bentilador at sinabing, "Ayan na po, ate." nang
natapos na niyang mawalisan ang sala, kusina, at mga kwarto bigla niyang naisip
na pagod na siya. Alam niya sa sarili niyang kailangan niya itong gawin dahil
baka magalit ang inay niya sa kaniya, malungkot niya itong naisip. Biglang
lumabas ang kaniyang ina sa kwarto at sinabi sa kaniya. "Natapos mo na
'bang igpitin ang mga plato sa ating kusina?" tumango si Maria Joy kung
saan ipinahiwatig na nagawa na niya ito. Umalis ang kaniyang ina at pinuntahan
ang kapatid na nakakabatang naglalaro sa sala. "Ina, bilhan ninyo naman po
ako nito, ang ganda po, bago." narinig niyang sabini Yvette. Pumayag naman
ang kanilang ina sa gusto ng kaniyang nakababatang kapatid, ibibili raw niya si
Yvette ng bagong laruan. Inisip ni Maria Joy kung bakit hindi pantay ang trato
ng kanilang ina sa kanilang dalawang magkapatid. Malungkot na pumunta si Maria
Joy sa kaniyang kwarto, inilapag ang mga panlinis at natulog na lamang.
"AHHHHH!!!!!"
sigaw na narinig ni Maria Joy kaya't siya ay nagising mula sa tulog. Tumingin
siya sa orasan, "alas-kwatro na pala ng hapon. Ako ay maghahanda pa ng
aming hapunan." nang mapunta sa kusina, nasilip niyang masaya ang kaniyang
kapatid na si Yvette dahil sa bagong laruan na sinabing bibilhin ng kanilang
ina. "Hay, gumastos nanaman para sa aking kapatid. Magiging kalat lang
naman iyung manika sa pagdating ng panahon at ako naman ang magliligpit."
bulong niya sa kaniyang sarili. Nang nakita siya ng kaniyang ina ay inutusan
siyang maghanda ng pagkain para sa hapunan. Habang mayroong tumatakbo at
nanggugulo sa isipan ni Maria Joy.... "Bakit ganito, ako nalang palagi?
Palaging gumagawa, palaging napapagalitan, at palaging nauutusan." tanong
niya sa sarili. Nang natapos niyang ihanda ang mga pagkain ay sinabi na sa
kaniyang ina na handa na ang kakaining hapunan. Si Maria Joy ay umakyat sa
kwarto, pinalipas ang hapong hindi kumakain at natulog na lamang na parang siya
ay walang dinadalang problema sa buhay niya.
Sa susunod na araw,
ganoon padin ang nangyari sa araw ni Maria Joy. Magluto, maglinis, maglaba,
magligpit at mapagod, walang araw na hindi napapagod ang panganay na anak na si
Maria Joy. Palaging pinagsasabihan at inuutusan ng kaniyang pamilya at kaniyang
susundin naman ang mga utos nito. Ang kaniyang kapatid na naglalaro nanaman at
si Maria Joy ay nakakasigurong siya ang magliligpit ng laruan ng bata na nasa
sala. Ang inay niyang nakatuon na lamang ang atensiyon sa bunsong kapatid na si
Yvette para kay Maria Joy walang bago, at hindi na siya nagulat doon.
Umalis si Maria Joy
at umuwi ng gabi dahil nagisip-isip tungkol sa kaniyang buhay na magulo.
Hinahanap na siya ng kaniyang inay at kapatid. Pagkapasok ng dalaga "Saan
ka nanggaling? Ikaw ay hindi nagpapaalam. Wala ka na bang ibang iniisip kundi ang
iyong sarili?" ang bumungad na mga tanong kay Maria Joy. Dinamdam ng
dalaga ang mga tanong, sinabi niya sa sarili, hindi.... "Bakit po inay?
palagi naman po akong nagsisilbi rito sa ating bahay. Bakit ganiyan ang trato
niyo saakin?" ang lumabas sa bibig ni Maria Joy. Namutla ang kaniyang ina
sa gulat at umakyat na lamang sa kaniyang kwarto, ganoon din ang ginawa ng
pagod na panganay na anak.
Umaga na, nagising
si Maria Joy at pumanik sa baba upang kumuha ng maiinom na tubig mula sa
kusina. Napansin niyang nandon ang kaniyang ina at hindi siya pinansin.
"Siguro kami ay nagaaway nanaman dahil sa nangyari kagabi." bulong
niya sa sarili. Kumuha ng pagkain at umakyat sa kaniyang kwarto upang maglinis
dahil ito'y kaniyang nakasanayan na. Makalipas ang ilang oras, alas-kwatro na
ng hapon. Bumaba siya upang maghanda ng makakaing hapunan para sa kanilang
tatlo ngunit napansin niyang nasa kusina ang kaniyang ina at naghahanda ng
pagkain. Nagintay na lamang ang panganay na matapos ang kaniyang ina upang
makakain na silang tatlo. Matapos ang ilang minuto "Tara na't kumain"
sabi sakanila ng kanilang ina. Umupo na silang tatlo at nagsimulang kumain.
Nakita ni Maria Joy huminga ng malalim ang kaniyang ina bago sinabing
"Anak, ako'y nanghihingi ng paumanhin kung mayroon man akong nasasabing
masasakit na salita saiyo. Ayun ay nasasabi ko lamang dahil ako'y pagod galing
sa trabaho. Gusto kong malaman mo na pantay ang pagmamahal ko sainyong
magkapatid." tumulo ang luha galing sa mga mata ng panganay na anak dahil
sa mga simpleng salita na sinabi ng kaniyang ina ay lumambot ang puso ni Maria
Joy. "Opo, inay. Alam ko na po dahil iyong sinabi na, galing na itong mga
salita sa iyong bibig." luhang sinabi ng panganay. Pagkatapos noon ay
nagyakapan na ang panganay at kaniyang ina. Tinapos na nilang kumain. Ang mga
tanong sa kaniyang utak ay nawala na ng parang bula.
"Anak..."
ang mga salitang gumising sakaniya mula sa kanilang ina. "Simula ngayon ay
tutulungan na kita sa mga gawaing bahay upang hindi ka na mapagod. Pasensya na
kung hindi ko nagagawa ang aking mga trabaho rito." sabi ng kaniyang ina.
"Naiintindihan ko na po, inay." sagot ni Maria Joy. "Pinapasabi
nga rin pala ng iyong kapatid na pasensya na't palagi siyang nagkakalat sa
bahay. Liligpitin na rin daw niya ang mga laruang ginamit." dagdag ng
kaniyang ina. Noong mga araw na iyon, natapos na nagtulungan ang pamilyang dati
iisa lamang ang gumagawa sa bahay at nahihirapan sa kanilang bahay.
Nagtutulungan na
ang tatlo sa kanilang tirahan. Hindi na nagiisa si Maria joy sa mga gawaing
bahay. Hindi na rin siya ganoong pagod kapag matutulog na. Ang kaniyang kapatid
iniligptid na ang mga laruang ginamit at naglalagay na rin ng hugasin sa
lababo. Ang kanilang ina na gumagawa rin ng gawaing bahay upang matulungan si
Maria Joy sa mga paghihirap at pagod. Masaya na si Maria Joy sa mga nangyayari
sa kaniyang paligid. Minsan ay nagaaway pa rin ngunit nalaman niyang normal
lamang ito sa isang pamilya't alam niyang matatapos din ito dahil sila'y
matatag na pamilya.
Comments
Post a Comment