Abuso
Abuso
Tugmang tula ni Juliana Billones
Nakita ng nasa itaas ang lahat
dating malinis na daluyan ang dagat.
Lupang tinataniman ng palayan
Kalikasan, tao ang may kasalanan.
Dati ay taniman ang lupang mataba
palay na itinanim ng magsasaka.
Sa kasalukuyan ito ay mas maganda
mas maganda dahil puno ng basura.
Simoy ng malinis na dagat at ilog,
daming naliligo, ito’y dinudumog.
Isda at pusit ay di na makain
dahil sa mga tao, sila’y bobombahin.
Kagandahan hindi na natin makita
Ito’y naglaho na parang isang bula.
Kalikasan ay ginawang basurahan
Kalikasan, tao ang may kasalanan.
Comments
Post a Comment