Apyan

Apyan

Tugmang tula ni Juliana Billones

Bawat kanto, patay rito, patay roon.
Tao’y bangkay kahit may batas na tugon.
Mga kapangyarihan ay naaabuso.
O mga pulis, dapat tumigil na kayo.


Droga rito, droga rine, droga roon
Mahirap o mayaman ay nababaon.
Takip dito, takip rine, takip roon
Opisyales na umaabuso’y mabaon.


Pinagbabawal na droga’y parang paguto,
Sa una lamang ramdam masaya ito
ngunit kung tumagal at may nakapansin
Ito ay tiyak na papatayin ka rin.


Kailan nga ba matatapos ang problema
Paulit-ulit para ng sirang plaka.
Dahil sa ipinagbabawal na galot
Sa pilipinas, marami na ang takot.





Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay