Inspirasyon

INSPIRASYON

Malayang tula ni Charliz Jewlya Abot


 Simula nung unang kita
Bigla akong namangha
Sa gandang di pa nakita
Ganda ng ugaling nakakamangha

Nung una mo ko’ng nilapitan
Ang sakit ay napalitan
Napalitan ng saya’t ligaya
puso ko’y muling lumaya

Puso’y muling binigyang pag asa
Na magmahal ng malaya
Mistulang ibong maya
Na kahit saan magpunta’y maligaya

Ikaw ang inspirasyon para sakin
Sa bawat hakbang na tatahakin
Pag ibig ko’y sayo di mag lalaho
Kahit emosyon ko’y nag hahalo


Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay