Anong Nangyari?
ANONG NANGYARI?
Malayang tula ni Charliz
Jewlya Abot
O aking bayan na dakila
Tanging ligaya’t buhay ang yong dala
Ngunit ngayo’y nawala na
Dahil sa nangyayari ngayon sa bansa
Patayan at droga ngayo’y laganap
Nasaan na ang aming pangarap
Yung pangarap na walang gulo
At walang distorbo
Wala na tayong magagawa
Kundi maghintay at ngumawa
Ano bang nangyari?
anong mangyayari?
Sana’y matapos na ang gulo
Sana’y muling magbago
Ano ba ang ginawa mo
Ang aming pangulo
Comments
Post a Comment