Halina sa Pilipinas


HALINA SA PILIPINAS

Malayang tula ni Trixie Leonardo

Pilipinas ating tuklasin
Magagandang tanawin ating libutin
Sa iba’t ibang bayan iyong makikita
Mga taong nakakabighani ang mga salita

Masayang indayog ng mga musika
Sa tining bawat bayan ay umpisa na ng pista
Maraming pagkain
Ang sa iyong ihahain

Kultura ng mga Pilipino ay nakakamangha
Kanya-kanyang paniniwala ang nagagawa
Buhay na bato,
Diyos ng bawat baryo at mga anito

Ditto sa pinas ang may pinakamahabang pasko
Sama-sama ang buong pamilya at nagsasalo-salo
Marami ng banyaga ang tumitira ditto
Dahil sa pagiging makabayan ng mga tao



Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay