Maayos na bansa hangad ng lahat

MAAYOS NA BANSA HANGAD NG LAHAT

Tugmang tula ni Trixie Leonardo

Edukasyon, susi sa kinabukasan
Ngunit estudyante’y nagpapaligsahan
Ang katalinuha’y wala sa medalya
Pero dito na binabase ng iba

Sa lugar naming ay puro na patayan
Nasaan ang hangad na kapayapaan?
Walang pinipili bata o matanda
Dugo’y nagkalat hustisya’s nasaan na?

Tinatawag na “DROGA” itong problema
Patay agad basta ika’y nakalista
Ibang polisya’y naging kasabwat na
Sa kasamaan niyo, Diyos na ang huhusga

Anong nangyayyari sa ating lipunan?
Ito na ba’y talagang pinabayaan?
Aming president kami’y tulungan mo
Tiwala naming ay ibinigay sa iyo


Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay