Bituin sa Langit

Bituin sa Langit

Tugmang tula ni Kelly Hizon

Sa mga bituin, ako’y nakatingin
Hinahangaan ang kanilang pang-ningning
Tila pangarap na kay hirap abutin
Kaya sa mga bituin, ako’y hihiling

“Ayoko na” mga salitang binigkas
Pag nahirapa’y sinasabi madalas
Mga oras na parang wala ng lakas
Sa pag-abot ng pangarap na kay taas

ALam kong hindi ‘to magiging madali
Ngunit ito ay ang aking minimithi
Matariktarik ang daang lalakbayin
Matataas na bundok ang aakyatin

Aking kakayanin hirap at sakit
Upang diploma ay tuluyang makamit
Mga pangarap ko’y tutuparin

Para sa’king pamilya, ito’y gagawin

Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay