Doon Tayo!
Doon Tayo!
Tugmang tula ni Kelly Hizon
Tara, lumisan mula sa realidad
Maglakbay papalayo sa mga siyudad
Lumubay sa rehas ng teknolohiya
At sundan ang direksyong ng mga tala
Mataas na bundok aking aakyatin
Pagmasadan sa tuktok, Kay gandang tanawin
Himig ng mga hayop ay papakinggan
Habang napapaligiran ng lunation
Bawat karagatan aking lalanguyin
Kasabay ng mga isda sa babaybayin
Mga alon ay aking sasalubungin
Mga kabibe’y aking kokolektahin
Tumigil at pagmasdan ang kalikasan
Ito ay sining na likha ng bathala
Na dapat pangalagaan at ingatan
Kaya wag nating hayaang mapinsala
Comments
Post a Comment