Walang Katulad
Malayang tula ni Trixie Leonardo
Babaeng may ngiti lagi sa mukha
Maungkot man o masaya
Aking mga luha
Hindi mo makikita
Ako yung tipo ng tao
Na walang inuurungan
Kahit anong problema
Akin ito’y nalalagpasan
Aking nakaraan
Sa aki’y nagpapatibay
Ito ang nagsasabi
Na tuloy lang ang buhay
Salamat sa Diyos,
Ako’y kanyang tinutulungan
Nais kong bitawan, ang salitang
“Napakasarap mabuhay”
Comments
Post a Comment