Kung ito ang pagbabago, h'wag na lang

KUNG ITO ANG PAGBABAGO H’WAG NA LANG

Tugmang tula ni Kelly Hizon

“Kaya ikaw, wag kang magpapagabi”
Mga salitang si nanay yang nagsabi
“Baka itapon ka na lang sa tabi”
At tuluyan nang mawalan ng silbi

Sa iyong ulo nakatutok
Ang baril na ipuputok
Malalamig na pawis ay tumatagaktak
Sa isang iglap, drug pusher ang tatak

Sakripisyo ng magulang ay nasayang
Sa mga anak na napaslang
Maaaring ikaw o ako ang susunod na patayin
Wala ka ng pangarap na aabutin

Tunay na kiriminal ay wala sa kanto
Sila’y mayayaman at nasa senado
Isang libo para sa karapatang pantao
Ganoon na lang ba ang halaga ng Pilipino?



Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay