Pangarap sa Buhay


PANGARAP SA BUHAY

Tugmang tula ni Trixie Leonardo

Nagsimula sa aking imahinasyon
Inasam na sana’y makamit koi yon
Sana ay dinggin ito ng Panginoon
At ibigay ito sa tamang panahon

Maging “Flight Attendant” aking pangarap
Susumikapin ko kahit pa mahirap
Walang pagkakataon na sasayangin
Ang buong mundo ay aking lilibutin

Ito’y regalo ko sa aking magulang
Mabawi manlang aking pagkukulang
Sabi nga nila tiyaga lang ang kailangan
Kapag gusto mo dapat mong ipaglaban

Matapos lang aking mga paghihirap
Aasahan ko’y kapalit nito’y sarap
Aakyatin ang rurok ng tagumpay
Salamat sa Diyos, sa tulong niya’t gabay



Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay