Para sa Kalikasan


PARA SA KALIKASAN

Tugmang tula ni Trixie Leonardo

Inang kalikasan kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag ito’y inalagaan
Pero bakit ganito ang nangyayari?
Parang tayo’y abusado’t nawiwili?

Ang ilog ay panatilihing malinis
Kalsada ay huwag hayaang madungis
Basura’y itapon sa tamang tapunan
Dahil ito’y hindi magandang pagmasdan

Ang mga bulaklak nagbibigay ganda
Pero bakit ganyan sila’y nalalanta?
Oh, bulubundukin ang sarap tanawin
Ngunit bakit ito’y kailangan sirain

Kalikasan dapat nating alagaan
Diyos ang may gawa huwag nating pabayaan
Kapag nakita niya na ito’y magulo
Baka ang lahat biglaan ay maglaho




Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay