O, Inang Bayan

O, Inang Bayan

Malayang tula ni Kelly Hizon

O Inang bayan, ako’y lubhang nakikiramay sa’yo
Unti-Unti nang nawawala ang iyong karangalan
Sa mga karumaldumal na pangyayaring iyong sinasapit
Sa lupa na ating ginagalawan, dugo’y nasilayan

O Inang Bayan, kalian tayo aahon?
Aahon mula sa mga abo na nakatabon
Burahin ang lugar na malagim
At magsimulang magbago

Ngunit ito’y kakayanin natin
Mga Pilipino ay magkakapit-bisig
Upang kulayan ng bughaw ang langit
At maibalik ang aming mga ngiti

Pula, puti, bughaw, at dilaw
Tatlong bituin at walong sinag ng araw
Watawat ay muling iwawagayway
At ipagmamalaki ang lahi kong tunay


Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay