Kakayanin
KAKAYANIN
Tugmang tula ni Charliz Jewlya Abot
O aking pangarap kay hirap abutin
Pero lahat parin ay aking gagawin
Pangarap na hindi mo dapat sukuan
wag mong sukuan di pa to katapusan
Kaya ko tong makamit hangang sa dulo
Kakapit lang ako di ako susuko
gagawin ko kahit impossible ito
Upang maging maayos lang ang buhay
ko
Piliting lagpasan ang mga pagsubok
Kahit ito lang ay pag-tayo sa sulok
Sana namay di nyo ako maliitin
kahit pag asa ko’y inyong paliitin
May mga panahong walang kasing hirap
Matapos ang hirap sa dulo ay sarap
Kung may tututol aking ipaglalaban
Dahil ito’y magsisilbing kayamanan
Comments
Post a Comment