Inday, Manoy
INDAY,
MANOY
Maikling
kwento ni Kelly Hizon
ONE DAY,
SA BALAT NG LUPA, MAYROONG ISANG MAID NA SOBRANG SIPAG NA NANGNGANGALANG INDAY.
ISANG ARAW
INUTASAN SIYA NG MABAIT NIYANG AMO NA MAG TAPON NG BASURA.
"HOY
INDAY! YUNG BASORA! ANDIYAN NA ALA EH! ASAN KANA BA? IBIGAY MO NA IRE!"
Kinuha ni
Inday ang garbage bag at pairap na bumaling sakanyang amo.
"I'LL
BE BACK."
Habang nag
iinarte si Inday sa pag buhat ng magagaan na basura bigla na lang siyang
nagulat ng masilayan ang makisig, at gwapong matcho sa harapan niyan
Ho my
ghad? Nasa langit na ba ako? Hihihihihihi. Ahhhhh! Ang hot ni papa! Saad ng
kanyang utak
Iaabot na
sana ni Inday ang basura ng pigilan siya ng lalaki.
"Wait
miss BEYUTIPUL... I shoot mo na lang to."
"Huh?
Saan naman POGE?"
at biglang
ipinakita ni kuyang pogi ang mala pamatay sa daga niyang ngiti.
"I
shoot mo sa.." sabay turo sa kanyang dibdib.
"I
shoot mo sa puso ko. "
At biglang
nag sabog ng kakiligan si kuya
Hindi alam
ni Inday kung anong gagawin niyan. Gusto na niyang lumipad sa sobrang
kakiligan.
"Ho
maaaaaay! Jusko Ginoo! Why you so sweet. Hihihihi. Naman! Sigi na nga! Shoot ko
na ah!"
At shinoot
ni Inday ang basura.
Sa hindi
malamang kadahilanan nag pabebe si inday at natalisod kahit katapat na lang
niya yung truck.
"Halaaaaaa!"
Mahuhulog
na sana si inday at wala sanang sasalo sa kanyang ngunit biglang umeksena si
kuya.
Nasalo
niya si Maharot na Inday.
"YOU
ARE MY SAVIOR!"
At mag
lalapit na sana ang kanilang labi...
"HOY
INDAAAAAAAAY! YUNG ITLOG AT HOTDOG SUNOG NA! AY JUSME!"
At biglang
natauhan ang dalawa.
"ANDIYAN
NA! WAIT LANG! KAINES NEMEN!"
At muli
siyang bumaling kay kuyang pogi.
"Ahm..
so paano pasok na ko ah? Strict kase amo ko eh. Hihihihi"
Nag lakad
na palayo si inday at ang nasa isip lang niya ay
Pigilan mo
ako! Pigilaaan mo ako!
"Wait--"
"YES!
"
Hindi pa
nga naitutuloy ni kuya ang sasabihin niya ng excited na sumagot si Inday.
Iniabot ni
kuya ang kanyang kamay.
"Manoy
nga pala.. and you?"
"Inday.
Or pwede ring Indey para sosyal."
"Inday
wat a nays and beyutipul name See you around."
Nag lakad
na paalis si Manoy habang naiwan si Inday na namimilipit sa Kilig.
"Ala
eh! Hoy Inday! Tustado na ireng hotdog at itlog! Ano ka banaman!"
At nag
madaling bumalik sa bahay si inday.
Na abutan
ni Inday na sunog na sunog na ang kayang itlog at hotdog.
"Mam!
Baka naman pwede pa tong irecycle like duh! Tanggalin na lang natin yung
sonog."
At
tinanggal nga ni Inday ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay nadurog ito.
"Keta
mo na! Anong kakainin natin ngayon eh?!"
Nag isip
si Inday ng paraan.
"Mam...
Parang tumataba ka yata ngayon hihihi. Diet ka na lang po mam."
At pumutok
na ang ugat ng kanyang amo sa galit.
"ARGH!
Pumonta ka ng Palengki! Bumili ka na ng pang isang lenggong pagkaen!"
At wala ng
nagawa si Inday kinuha niya ang pera at dagling lumabas ng bahay kinuha niya
ang payong na nakasabit sa gilid ng bintana.
Pag
kalabas ni Inday ng gate.
Nasunog
siya sa tindi ng sikat ng araw.
"HO
MY! Nakalimutan kong mag SANBLACK!"
At may
biglang bumusina.
Piiiip
piiiip
At biglang
pumarada sa harap niya ang isang mamahalin at maganda kotse.
"Hey
Inday..."
Hindi ito
pinansin ni Inday at nag patuloy sa pag lalakad
Hinabol
naman siya ng kotse.
"Pssst!
Inday my labs!"
Hindi
parin siya huminto.
"Sumakay
kana Inday ko. Sayang naman yang beautipul sken mo."
Huminto si
Inday at nilingon ang lalaki
"HOY
DODONG BAKA AKALA MO AH! Tapos na tayo! We never ever getting back
togeder!"
At
sinampal ng bayong si Dodong.
At ang
baliw na si Inday ay sumakay sa sasakyan.
Si Dodong
ay driver ng kapitbahay nila.
Isa siyang
mayabang at mayabang na napaka yabang na driver.
"So...
saan ba tayo, honey my lab so sweet?"
"Sa
libingan mo-- ay sa Palengki."
Habang
tinatahak nila ang daan ay walang nag iimikan hanggang sa
"So
ok kana ba inday? Sapat na ba ang binigay kong SPACE sayo?"
"HINDI.
Ang kailangan ko ay ang Universe."
"Alam
kong nasaktan kita pero dapat alam mo ng maraming aaligid sa boypren mo dahil
napaka GWAPO ko."
"EX
boypren. Ipara mo na diyan hmmmp."
At agad na
bumaba si Inday sa mamahaling kotse.
"BYE
BABEY! I LAB YOU!"
Hindi na
pinansin ni Inday si Dodong.
Nag lakad
na siya patungo sa tindahan ng palengke na nasa tapat lang niya.
"Ate.
Pabili ka ng 6 na talong at 9 na okra."
Hindi siya
pinapansin ni ate at busy ito sa pag lalagay ng kolorete sa kanyang mukha.
"ATE.
PAGBILAN PO."
At pairap
siya nitong tiningnan.
"ANU
ULIT BABEY?"
At nag
init ang ulo ni Inday
"Excuse
me? Inday ang name ko hmmp."
"Talaga
lang Babey? Pwes hi Inday ako naman si Pempi. Anu nga ulit bibilhen mo?"
"Wag
na lang! Baka busy ka sa pag cocoloring ng mukha mong mukhang coloring
bok."
At
tinalikuran siya ni Inday.
"Huy!
Anung sinabi mu?! Di hamak naman na mas maganda at sexy aku nu!"
Hindi na
napigilan ni Inday ang kanyang sarili.
"Wag
mong ipagkumpara ang sarili mo sa akin! Dahil hindi mababa ang level ko! Hmmp.
Kumbaga sardinas ka at maling naman ako!"
"Talaga
hindi tayo mag ka level nu! Mukha palang halata na at hindi ako isang sardinas!
Bacun ang level ku!"
"Baka
BACON. Diyan kana nga ayokong makipag talo sa mga mukhang talong na katulad
mo."
At
tinalikuran siya ni Inday.
"Ikaw
mukhang Itlog! BYE BABEY I LAB YU!"
Pahabol ni
Pemping mahilig sa U.
Nag hanap
ng ibang mapagbibilan si Inday ng talong at Okra.
At lumipas
ang oras at napag desisyunan na niyang umuwi.
Habang nag
lalakad si Inday..
"Hi
Ganda! Thaan ka galing? Lika angkath kana tha motor ko hatid na kita."
Gustong
tumanggi ni Inday ngunit hindi na niya nagawa pa sa kadahilanang siya ay pagod
na sa pag lalakad.
"Namalangke
ka?"
"Oo."
Kaya pala
ang ganda mo..."
Hindi alam
ni Inday kung ano ang kanyang gagawin. Tatalon ba mula sa motor o mananatili at
makikinig sa mga walang koneksyong banat ni Bobot.
Si Bobot
ay isa sa mga guwardiya sa kanilang village.
"Inday?
date naman tayo tha mall."
"Thaan?"
"Tha
mall."
At hindi
na sumagot si Inday hanggang sa makarating sa bahay ng kanyang amo.
"Ba
bye Inday! Tha uulitin."
"Thank
you rin Tha uulitin na at sisiguraduhin kong hindi na mauulit."
At pumasok
na siya sa loob.
~
Mabilis na
lumipas ang mga araw. At sa mga araw na iyon ay lalo pang nagiging malapit sa
isat isa si Inday at Manoy na nalaman ni Dodong na ikana resulta ng kanyang pag
kalungkot.
Sa hindi
malamang kadahilanan ay nakaramdam ng sakit sa kanyang dibdib si Dodong.
Pagmamahal nga ba ito?
Sa
kabilang banda..
"INDAAAY!
Yong tubo nasira! Tumawag ka nga don sa service center eh! Belesan mo! Tumaas
na ang presyo ng tobeg!"
At mas
mabilis pa sa alas kwatro na tinawagan ni Inday si Manoy.
Si Manoy
ay isang all around worker sa Village Makatiy.
Pwedeng
hardinero, basurero o tubero pero higit sa lahat
Kusinero.
Agad na
pumunta si Manoy dala ang kanyang mga gamit.
"Oh
miss beyutipul ano bang sira natin?"
"Natin?
Tayo wala pero yung tobo sira. Hihihihi"
Agad na
kinumpuni ni Manoy ang tubong sira.
"Nako,
mukhang kailangan na nating palitan. Wait, konin ko lang yung tubo sa
kutse."
At
paglipas ng mga minuto ay muling bumalik si Manoy at nagulat si inday
"Ang
laki Manoy!"
"Talagang
malaki to! Halika na? Pasok ko na ah."
"Nakoo!
Baka sumayad!"
At
ipinasok ni Manoy ang tubo sa Cr nila Inday.
Natapos ni
Inday ang pagkukumpuni ngunit hindi nila alam ay may mga tengang nakikinig
sakanila.
Rinig na
rinig ni dodong ang sigaw ni Inday
Ahhh! Oh
myy! Manoyy!
At hindi
mapakali si Dodong
Narinig ni
Dodong ang malakas na sigaw ni Inday kaya't nag tangka itong pasukin na ang
bahay. Inakyat nito ang gate ngunit hindi siya nag tagumpay at siya ay nahulog.
Sa
kabilang banda nakaranig ng malakas na kalabog si Inday kaya agad siyang
lumabas para tingnan kung ano ito.
"Weat
for me Manoy"
At
paglabas ni Inday bumungad sa kanya ang Dodong na pagod at haggard na.
"Ano
bang problima mo?!"
"Anong
problema ko?! Wat do u think? Anong ginagawa niyo huh? I deserve a acceptable
reason!."
"And
I have the rights to not tell to you wats going On. Ay mali nag luluto lang
naman kami."
At
umeksena si Manoy.
"Inday?
Reidy na. Sino yan?"
At agad na
pinagsaraduhan ni Inday si dodong.
"Ah
wala! Lika na gogotom na ako eh."
At pumasok
sila sa loob.
~
Lumipas
ang mga linggo at lalong nag alab at sumidhi ang kanilang nararamdaman para sa
isa't isa.
"Mag
po propose na ako sakanya."
Sambit ni
Manoy sa kanyang matalik na kababata.
"ANU?!
Kailan pa yan? Tsaka prupose?! Baliw kaba!"
"Pero
alam kong siya na, ayoko ng patagalin pa gusto ko ng makasama siya sa
panghabang buhay."
At
inilabas ni Manoy ang litrato ni Inday at ipinakita sa kanyang matalik na
kaibigan.
"ANU?!
Siya yung gustu mung pakasalan?! Eh, balita ko may bf na yan dalawa pa! At
pinag sasabay daw niya. Hindi ka niya mahal! Niluluku ka lang niyan!"
Hindi
makapaniwala si Manoy sa kanyang narinig.
"Hindi
totoo yan! Wag kang gumawa ng kwentong ikasisira niya sa akin!"
"Mahal
kita Manoy! Mahal na mahal! Sa bawat taon na lagi tayong magkasama ay lagi kong
hinihiling sa mga tala na sana AKO NA LANG. kaya kitang mahalin higit pa sa pag
mamahal niya.."
At
hinagkan ng kanyang kaibigan ang labi ni Manoy.
Nag
pumiglas si Manoy at itinulak bahagya ang kanyang kaibigan.
"Patutunayan
kong mali ka!"
At umalis
na siya
Kinabukasan.
Panay ang
tawag ni Manoy kay Inday ngunit hindi ito lumalabas.
At
napagtanto na lang niya na siya ay bumulagta.
"SINO
KA PARA LUMAPIT KAY INDAY!"
At nag
kasakitan ang dalawa nakita ni Inday ang ngyayare kaya agad siyang lumabas para
pigilan ito.
"TAMA
NA! UMUWI KANA MANOY."
Gulong
gulo si Manoy. Hindi niya alam kung anong nangyayari.
At may
hindi inaasahang panauhin ang dumating.
Kinaladkad
niya si Inday at pinag sasampal.
"WALANG
HIYA KA! Paano mo nagawang lokohin si Manoy! At pinag sabay mo pa talaga sila
hah!"
Galit na
galit siyang pinaibabawan ni Pempi.
Dumating
si Bobot at inawat si Pempi.
"TAMA
NA! Ok ka lang ba inday?"
"Grabe!
Tingnan mo nga naman lahat ng lalaki mo nandito! Napaka landi mo!"
At may
biglang boses ang umalingawngaw.
"TOTOO
BA INDAY?! TOTOO BA NA PINAG SASABAY MO LANG KAMI?"
"EH
ANO NAMAN KUNG TOTOO! WAG KANG MAG MALINIS MANOY DAHIL KITANG KITA KO NA
NAGHALIKAN KAYO NI PEMPI!"
At hindi
na napigilang maiyak ni Inday.
"HINDI
KA TALAGA MAHAL NI MANOY DAHIL AKO ANG TOTOO NIYANG MAHAL PAMPALIPAS ORAS KA
LANG! AT ISA SA PATUNAY NA MAHAL AKO NI MANOY AY ANG PAG HALIK NIYA SA
AKIN!."
Sigaw ni
Pempi.
Hindi na
matiis ni Inday ang kahihiyan, ang mga bulungan ng mga tao at ang sakit na
kanyang nararamdaman.
Tumakbo
siya pabalik sa bahay at isinara ito at hindi na binalikan ang mga taong naiwan
sa labas.
Si Manoy
na gulat na gulat sa kasinungaling sinabi pempi.
Si Pempi
na galit na galit.
Si Dodong
na nasasaktan para kay inday.
At si
Bobot na nag aaalaa
~
Nagdaan
ang mga linggo hanggang sa naging buwan.
Hanggang
sa nag lakas na ng loob si Manoy na bumalik at humingi ng tawad kay Inday.
"Tao
po! Inday?"
Lumipas
ang ilang oras hanggang sa nag dilim. At may biglang kumalabit sakanya.
"Si
Inday ba ang hanap mo, iho? Wala na sila ng amo niya. Balita ko nga bumalik na
raw sa ibang bansa... sa Taiwan!"
At ang
mundo niya ay gumuho.
Hindi na
niya muli pang kinausap si Pempi.
Umuwi na
si Pempi sa kaniyang probinsya.
Nag resign
na rin si Dodong.
At lumipat
na ng ibang village si Bobot.
Sino nga
ba ang totoong nag mamahal ang mga nasaktan o ang mga nanakit?
Sino nga
ba ang may sala?
Si Dodong
na hindi naging tapat at sinayang ang pag mamahal ni Inday?
Si Bobot
na tapat at wagas mag mahal?
Si Pempi
na nabulag na ng kasinungalingan at kamalian dahil sa pag ibig?
Si Manoy
na hindi nag tiwala sa kanyang minamahal?
O si Inday
na inuna ang galit at emosyon bago ang pag ibig?
Asan na
nga ba ang tiwala?
Lagi
nating tatandaan na bago ka gumawa ng desisyon ay isipin mo ito ng paulit ulit
dahil hindi mo alam baka isa na ito sa pinakamalaking dagok sa iyong buhay.
Comments
Post a Comment