Isang Pangako

ISANG PANGAKO

Maikling Kwento ni Charliz Jewlya Abot

Ito ang kwento ng isang binata na umibig at nasaktan ng lubos.

May isang binatang nagngangalang Luke na nakatira sa San Andres. Siya ay mahiyain at hindi sanay na makihalubilo sa mga tao. Si Luke ay nanggaling sa isang mayamang pamilya na nagdulot sa buhay kung saan siya ay pinipilit na magaral ng husto upang maipagpatuloy niya ang mga yapak ng kaniyang ama.
Isang araw, may isang malakas na tunog ng kotse ang nanggaling sa labas ng bahay ni Luke. Dahil dito, siya ay napatayo at napilitang silipin sa bintana kung ano ang nangyayari. Nakita niya ang isang dalagang nagbubuhat ng gamit sa loob ng bahay. Doon nalaman ni Luke na sila ay ang mga bagong kapitbahay. Habang siya ay nakatingin sa kanyang bintana ay ang sabay na pagngiti ng dalaga sa kanya, dahil rito ay kanyang agad na sinara ang kanyang bintana at sinabi sa sarili na ”Muntikan na yun…”. Siya ay bumaba na para sa kanyang almusal at tulad ng mga natural na araw niya ay ang mga magulang niya ay pumasok na sa kanilang mga trabaho ng walang paalam.
Siya ay pumasok sa kanyang paaralan, pumunta sa kanyang klase at umupo. Tumunog na ang bell at sa pagpasok ng kanyang guro ay may kasabay na isang dalaga.
“Ito nga pala ang bago ninyong kaklase” wika ng guro. Laking gulat niya na ang babaeng yun ay ang parehong babae na lumipat sa tabi ng kanilang bahay.
“Kamusta,ako nga pala si Gwen” ang sabi ng dalaga. Lahat ay nakatingin sakanya habang siya ay nagsasalita dahil sa angking nitong ganda. Pinaupo siya sa tabi ni Luke.
“Hi!” sabi ni Gwen kay Luke, ngunit hindi ito kumibo. Nang matapos ang klase ay nilapitan ni Gwen si Luke upang makipagkaibigan. Ngunit pilit na iniwasan ni Luke ang dalaga sapagkat  ang mga tao ay pinaguusapan sila, kaya agad na umuwi ang binata.
Dumaan ang maraming araw at hindi parin pinapansin ni Luke si Gwen. May grupo ng mga lalake na lumapit kay Luke. “Hahaha walang kaibigan!” sabi ng lider ng grupo. Nang nakita ni Gwen na binubully ng mga lalake si Luke ay agad niyang nilapitan at pinagtangol. Sinampal ni Gwen at sabi, “Anong karapatan mong sabihan ng ganyan si Luke”.
“Sino ka ba?!, Hindi porket maganda ka kala mo kung sino ka na kung umasta.” sagot ng lider. Biglang dumating ang isang guro at sinabi sa mga bully na “Wag silang gumawa ng gulo kung ayaw nilang mawala sa paaralang ito.” agad na umalis ang mga ito upang maiwasan ang gulo.
“Mag-ingat ka na” wika ni Gwen kay Luke na may kasamang ngiti.
Dumaan ang maraming araw at sila ay naging magkaibigan, ngunit kinailangan ni Gwen na bumalik sa States dahil sa isang emergency. Kaya bago umalis si Gwen ay nangako sila sa isa’t isa na sa pagbalik ni Gwen ay sasagutin niya na ito.
Lumipas ang 3 buwan at nabalitaan ni Luke na bumalik na si Gwen. Kaya agad niyang itong hinanap ngunit nang nakita niya na ito mayroong ibang kasamang lalaki na si Gwen. Siya ay tumakbo ng mabilis at biglang bumuhos ang ulan. Sumilong nalang siya sa isang bubong nang makita siya nila Gwen.
“Kamusta na.” sabi ni Gwen na nakangiti na para bang walang nangyari.
“Mabuti naman” inimungkahi niya na may poot sa kanyang boses. “Sino yang kasama mo?” kanyang idinagdag.
“Uhmmm… Si Ralph, kasintahan ko” sabi ni Gwen.
“Mabuti naman ay masaya ka na” sagot ni Luke. Biglang lumakas ang ulan at hindi na kinaya ng payong nila Gwen, kaya sila ay nakisilong narin. Nanahimik sila hanggang sa pagtila ng ulan.
“Sige, paalam na” sabi ni Luke sabay umalis.
Lumipas ang ilang araw ay hindi na nakikita ni Luke si Gwen. kaya siya’y nag-taka, bigla nalang nyang nabalitaan na si Gwen ay nasa ospital, dali-daling siya’y pumunta sa hospital. Doon ay nakita niya si Gwen na naka higa sa kama.
“Ano ang nangyari sayo” sabi ni Luke na may halong pag-aalala. “nabunggo ako” sagot ni Gwen habang nakangiti.
“Nasaan si Ralph” tanong ni Luke, “Break na kami ni Ralph” sagot ni Gwen sa tanong ni Luke.
At sila ay nag usap nang matagal, nung dumating ang oras si Gwen ay nagpaalam at sinabing “ikaw ang aking minahal simula pa nung una”, “Ano ang pinagsa-sabi mo” nag tatakang tinanong ni Luke. At may narinig si Luke na tunog “tiiiing” at tinignan niya si Gwen na hindi humihinga dali-daling humingi ng tulong si Luke “tulong!! tulong!!” sabi ni luke habang sumisigaw. Dumaan ang araw ng burol ni Gwen, si Luke, Ralph at ang pamilya ni Gwen ay nagluluksa.
Makalipas ang ilang buwan, si Luke ay may kasintahan na. Tandaan nating lahat na kung ikaw ay may nararamdaman sa isang tao ay sabihin na nating agad wag na tayong maghintay para sila pa ang magsabi ng nararamdaman nila.     

  

Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay