Josefina

Josefina

Malayang tula ni Kelly Hizon

Ilong na matangos, mapayat na katawan, at maputing kutis
Mga mababaw na dahilan kung saan nababase ang kagandahan
Madalas mong pinagkukumpara ang sarili sa iba
Sapagkat ang itsura mo’y di tulad ng ganoon
Nais mong magbago dahil hindi ka kuntento
Para ika’y matanggap ng mundo
“Ang taba ko”, “Ang pangit ko”, puro insult ang sambit
Ni isang puri sa sarili mo’y walang binanggit
Bakit hindi mo nakikita ang kagandahan mong taglay?
‘Di mo baa lam na ikaw ang pinakamagandang bulaklak sa hardin?
Katangian mo’y sing ningning ng mga bituin
Aking hiling na sana’y kumawala ka sa’yong hinaing
At yakapin ang imperpekto mong sarili,
Josefina.


Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay