Pag-abot
Pag-abot
Tugmang tula ni Juliana Billones
Nais kong makamit ang aking pangarap,
Ito ay hinihiling ko sa mga ulap.
Kahit maliit ang pagasang makamit
gagawin ang lahat para lang makamit.
Nais kong makatulong sa aking kapwa
Lalung-lalo na sa mahal kong pamilya.
Ayaw kong nakikita sila’y nagdurusa
Kaya’t aabutin para sa kanila.
Daan papunta dito’y hindi madali
Peto tatapusing may ngiti sa labi.
May mga pagsubok na aking haharapin
Kaya’t susundin ang payong ibinilin.
O aking pangarap, kay hirap makuha
Daang tatahakin ko ay mahaba pa.
Sa isang araw pag-abot tapos na rin
at aking nakuha ang gustong bituin.
Comments
Post a Comment