Pantay
Pantay
Sanaysay ni Kelly Hizon
Ang Pilipinas ay isang
konserbatibong bansa. Marahil sa impluwensya ng ating relihiyon. Bilang mga
Katoliko ang bibliya ang ating naging gabay sa buhay. Lahat ng mga nakasaad
dito’y ating sinusunod upang tayo’y mapunta sa langit at makasama ang
Panginoon.
Isang malaking isyu ang pagpapatupad
ng same-sex marriage sa bansa dahil pinaniniwalaang ito’y kasalanan sa mata ng
Diyos kaya’t ang simbahan at tutol dito. Ang same-sex marriage ay ang
pag-iisang dibdib sa pagitan ng dalawang taong magkaparehas ang kasarian. Sa
kasalukuyan, hindi lamang dadalawa ng kinikilalang sekswalidad. Ang mga kapatid
natin na parte ng LGBTQ+ community ay ang mga taong hindi akma ang oryentasyong
sosyal sa kanilang tunay na kasarian. SIla’y mayroong magandang kalooban at
makukulay na personalidad na parang isang bahag hari. Ngunit sa kasamaang
palad, Sila’y patuloy na humaharap sa mga diskriminasyon at hindi pa sila ganap
na tanggap ng lipunan. Sa kabila ng lahat ng masasamang bagay na kanilang
nararanasan, SIla’y patuloy na lumalaban para sa kanilang karapat
. Ang pagpapatupad ng same-sex
marriage sa bansa ay isang paraan nang pagpapahalaga at pagtanggap sa ating mga
kapatid. Nakasaad sa bibliya na tayo’y nilikha ng Diyos mula sa kaniyang imahe
at tayo’y ipinanganak nang may pantay na karapatan. Kaya ang bawat tao, babae,
lalaki man o hindi ay may karapatang magmahal ng kung sino man dahil ang
pagibig ay walang kinikilalang kasarian.
Comments
Post a Comment