Saklolo
Saklolo
Tugmang tula ni Karl Caesar Del Rosario
Inang
bayan na lubos kong iniibig
Patawad
at nakaramdam ka ng bagsik
Patawad
kabataan ay iniisa
Patawad
sa respeto na nawawala
Inang
bayan kong puno ng mga pasa
Ika’y
pagod na sa gobyerno ng bansa
Pagod
na sa mga kasinungalingan
Kailan
nga ba matatapos ang patayan?
Inang
bayan kong humihingi ng tulong
Sa
mga digmaan ika’y nakakulong
Kaya
tayo ay humingi ng saklolo
Iligtas
kami sa kaguluhang ito
Inang
bayan ikaw ang magpakatapang
Huwag
kang bibigay sa mga kalaban
Kumapit
ka ng mahigpit sa patalim
Kumapit
sa galit na ating tinanim.
Comments
Post a Comment