Salot sa Lipunan

SALOT SA LIPUNAN

Sanaysay ni Trixie Leonardo

        Ito ang pangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil marami na ang masasamang pangyayari na naganap sa ating lipunan. Mayroong bawal na gamot na ginagamit ang ibang tao. Karamihan sa kanila ay nalulong sa bisyo lalo na sa pag-gamit ng droga. Iba’t iba ang dahilan kung bakit nila ito piniling pasukin kahit na alam nila na ito’y delikado at makakasama sakanila.

        Droga. Ang droga ay ang pinagbabawal na gamot. Ang droga ay ang nagsisilbing gamot nila sakanilang problema. Bata o matanda ito ang pinaglalaanan ng pera na akala nila’y ito’y makakabuti sakanila. Isang dahilan ng kanilang pag gamit nito ay ang kapabayaan ng magulang. Madalas, ito ay nagsisimula sa mahihirap dahil sa kanilang kakulangan sa pera ay dito nila kinukuha ang panustos sa gastusin. Sa pamilya kadalasan ng nagsisimula ang pagkalulong ng kabataan sa droga dahil sa kanila itong nakikita sa kanilang magulang at sa mga nakakatanda sa kanila. Kaya ang iba ay nahuhumaling gumamit ng bawal na gamot dahil ito rin daw ay nakakawala ng problema.

        Sa aking palagay ang dapat gawin ng mga taong nagdo-droga ay kanila itong iwanan. Ang buhay na ipinahiram sa kanila ay dapat hindi sa mga ganyang bagay nilalaan. Hindi masarap tumanda sa kulungan. At mas lalong hindi masarap iwan ang mundo. Ang droga ay salot sa lipunan na sumisira ng buhay ng tao. Hindi droga ang lalayo sa tao kundi nasa tao kung gusto nila mabuhay ng masaya. At dapat rin pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak upang mailayo ang kanilang mga anak sa paggamit ng droga at para hindi ito maging perwisyo sakanila. 

Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay