Sayang

Sayang

Tugmang tula ni Karl Caesar Del Rosario

Diba’t kay ganda ng ating kalikasan
Kapaligiran nating kaylinis noon
Ano na nga bang nangyari kaya ngayon?
Ang tao nga ang lubos na dahilan?

Ating gubat ay nakakalbo na
Mga yamang dagat nauubos na
Mga hayop nanganganib ring mawala
Hanging madumi dati ay sariwa

Sa panahon ngayon nararanasan na
Malakas na bagyo, mataas na baha
Na epekto ng pagbabago ng klima
Dahil maraming tao na ang pabaya

Ating kapaligiran ay alagaan
Kung masira, tayo rin ang mawawalan
Kaya’t pagsikapan nating itong ingatan
Dahil ating yaman ay ang kalikasan.



Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay