Unti-unti
Unti-unti
Malayang tula ni Juliana Billones
Simula sanggol hanggang kasalukuyan
Ako’y dito nakatira at lumaki na.
Paglipas ng segundo, oras, at taon
marami narin ang nagbago.
O gobyerno ano na ang nangyari?
Bakit ganito na ang kinalabasan?
Dati’y bayan parang ginto
sobrang ganda, at ito’y maliwanag.
O mamamayan, ano na ang nangyari
bakit wala kayong pakialam?
Pilipinas ay patuloy na dumidilim
Sapagkat kayo’y nasa telepono ma lamang
Ako ay humihingi ng kapatawaran
Dahil ika’y maganda noon
ngunit nasira na ngayon.
Comments
Post a Comment