Utusan

Utusan

Sanaysay ni Juliana Billones

Sa Pilipinas, marami na ang nadadamay sa mga patayan dahil sa war on drugs ni Pangulong Duterte. Marami ang buhay na nasasawi dahil sa mga iresponsableng gawain ng mga tao. Ang mga patayan na angaganap sa mga minorde edad na inosente ay hindi nabibigyang hustisya. Extra Judicial Killings, o ang pagpatay sa mga tao.

Dahil ang droga ay sikat bilang ipinagbabawal na gamot, marami ang napagbibintangan na gumagamit nito. Ang mga napapagbintanagan ay madalas na ipinapatay. Pinapatay nalang bigla-bigla at hindi dumadaan sa makaturang paraan. Ang resulta nito sa mga nasasawing biktima ay ang kanilang pangarap ay mawawala na parang bula. Ang mga pumapatay sa mga biktima ay bigla nalang nakakatakas dahil hinahayaan nalang ng mga tao sa gobyernong mawalang bisa ang kanilang kasalanan. Maraming buhay ang nawawala dahil lang sa iresponsableng mga tao.

Sa lahat lahat, ang mga iresponsableng tao ang may kasalanan dahil hindi muna sila nageembistiga at idaan na sa makatarungang paraan. Madami na ang takot lumabas sa kanilang kabahayan dahil dito. Bakit ganito, kaya ba nating mapigilang mangyari ito palagi?


Comments

Popular posts from this blog

Bayani kong Ina

Lipstick

Tinola ni Inay